Hayan at madaling araw na kahit may 3 major quizzes tomorrow. Haha.. talagang di ko pa rin mapigil ang Photography dahil mahal na mahal ko ito and ang LP assignments. Haha..
Ayun, ngayong linggo ay Manipis ang tema. Ang tanging naisip ko ay mga bagay na manipis na literal sa ating mga paningin ang aking ilalagay ngunit may nakita akong larawan na aking kinuha kung saan masasabi ko na manipis. Manipis na epekto kung pagbabasehan ang siyensiya. Haha
Makikita sa aking larawan ang pagtalon ng isang bata sa "swimming pool" . Mapapansin na nakuhanan ng "decisive moment" siya pero kung titingnang maigi, may ilusyong nabuo na parang naglalakad siya sa ibabaw ng tubig. Sa tulong ng "surface tension", kahit papaano ay makikita ang pagitan ng ibabaw ng tubig at ilalim. Haha.. Di man malinaw ang pagpapakita ngunit iyon ay isang property ng tubig. Haha.. Isang manipis na guhit lang ang "Surface Tension" kung iyong titingnan kapag may baso ka ng tubig, tingnan niyong maigi. Isang magndang halimbawa nito ay ang mga insektong nakakalutang sa ibabaw ng tubig Haha
Yan..sobra na sa siyensiya., Enjoy na lang larawan. Haha.. =))

Piz out y'all =))