Showing posts with label litratong pinoy. Show all posts
Showing posts with label litratong pinoy. Show all posts

Thursday, February 25, 2010

LP 94: Husay!! =))




Hello Mga Ka-LP, ito ang aking litrato para sa linggong ito kung saan ang tema ay Husay.


Ginanap noong Linggo sa UST ang isang event na "The UnendinGRace" kung saan ito ay lumalayong makapag-ipon ngfund para sa rehabilitasyon ng Ilog Pasig at relokasyon ng mga taong nakatira sa paligid nito. Sa kabuuuan, kung saan lumahok rin ako dahil required kami sa NSTP na sumama pero napakasaya ng pakiramdam na makatakbo at makatulong sa pag-ayos ng isang bagay na noon ay hinahangaan ng mga tao lalo na si Rizal kung saan naisama ito sa kanyang mga nobela.


Makikita sa larawang ito ang mga estudyanteng nag exercise para sa okasyong ito. Makikita pa lamang dito ang husay ng mga estudyante at husay pinoy na handang sumama sa mga okasyong gaya nito.


Enjoy!! =))






Piz out y'all =))

Friday, February 19, 2010

LP 93: Batik/Mantsa!! =))




Hello mga Ka-Lp.. Haha.. Medyo late na ng post super busy kasi kahapon. Haha..


Ayun. Theme nga pala ngayon ay Batik o Mantsa.. Hmmm.. Naisipan ko ay ang batik ng ilaw na dulot ng pagsindi sa isang paputok na LUSIS. Makikita ang pag buga nitong ng ilaw kapag nasindihan na ito. Maganda tingnan ang mga ilaw na kagaya nito lalo pa't nakakapagbigay-ito ng kaligyahan sa mga tao kagaya na lang ng babae sa likod kung saan makikitang nakangiti. Haha


Ayun..


Enjoy!! =))




Piz out y'all =))

Thursday, February 11, 2010

LP 92: Iyo (yours)!! =))



Hello mga Ka-Lp.. Haha.. Medyo late na ang post.. Haha.. Ayun, theme nga pala ngayong Linggo ang Iyo o Yours. At naisipan kong ilagay ang kuha kong buwan.


Sabi nga ng isang kanta, "Susungkiting mga bituin, para lang makahiling.." .. Haha.. Kaya naisipan ko ilagay ang Buwan na isa ring bituin na nais ko ibigay sa inyo upang makahiling rin ng mga inyong nais na kagaya ko na parating humihiling. Haha.


Pero ngayong Pebrero, unang papasok sa isip ng mga tao ay pag-ibig dahil sa Valentine's Day. Marahil nais mo ring sungkitin ang mga bituin at ang buwan para sa kaniya na gagawin mo ang lahat kagaya ng pinakita ni Jim Carrey sa Bruce Almighty na hinila niyang literal ang buwan. lolz. Haha


Enjoy!! =))






Piz out y'all =))

Friday, February 5, 2010

LP 91: Akin (mine)




Wwo. Paxenxa na dahil hindi ako nakapaglagay ng post kahapon sa aking blog dahil sa pagod sa photog asisgnment ko sa aming paper. Haha.. Masaya naman ng sobra mga photog assignments.


Ayun.. Haha.. Panibagong linggo mga ka-LP.. Paxnxa na at medyo na late tong post ko. Haha. Ayun. Tema pala ngayong linggo ay Akin. Masasabi ko na pag-aari ko dapat ang aking ilalagay. Hmmm...


Sa linggong ito nais kong ipakita ang mga damit. Marami akong damit na napapabili ako parati kada labas namin. Haha. Napakagaastos kong bata kong inyong iisipin. Minana ko ata sa lola ko na hindi makagastos tuwing pupunta ng mall. Haha..


So ito yung kuha kong sampay ng mga damit. HIndi sa akin mga iyan. Haha.. Subalit nagustuhan ko lang kuha ko sa mga damit na iyan. Next time ko pakita ang sa akin.wahaha..


Enjoy!! =))





Piz out y'all =))

Wednesday, January 27, 2010

LP 90: Balak (plan)!! =))


Hahaa.. Buti na lang at wala kami pasok bukas dahil St. Thomas' Feast day. Ayun at nakapost pa ako ng ganitong oras. Haha..


Hello pala mga Ka-LP.. =))


Ang tema sa linggong ito ay Balak o plano. Hmm.. Bilang isa pa lamang estudyante sa kolehiyo, napakaraming bagay ang gusto kong gawin na walang katapusan. Pero nitong mga nakaraang buwan at araw sa tingin nalaman ko na talaga kung anu dapat at magsagawa ng tunay na plano para sa aking buhay.


Makikita sa larawan sa ibaba ang litrato na may karatulang One Way.. Inilagay ko yan upang magsimbolo na ang susunod kong tatahaking hakbang pamula ngayon ay wala nang urungan dahil sa tingin ko na nalaman ko na sa aking sarili kung ano ang dapat. Kagaya ng paglipat ng kurso na aking gagawin dahil hindi ko naman talaga pinlano na kumuha ng kinukuha ko ngayon at mas makabubuti kung dun sa mas gusto ko. Isa na rin ang pag-pursue ko sa Photography na gusto ko talaga ituloy pagkatapos ng buhay kolehiyo. Haha..





At isa ko pang plano ay mag serbisyo sa simbahan bilang Sakristan sa Binondo Church. Haha.. Tutal kwalipikado pa naman ako at araw-araw rin akong nasimba dito. Gusto ko lang talaga na magbigay serbisyo kay God. Haha. At makakilala ng mga panibgaong tao.. =))


Enjoy!! =))




Magulo man o Maayos ang mangyari sa aking mga plano, tiwala pa rin ako na magtatagumpay ako. Think Positive nga diba..hahaha.. =))


Piz out y'all =))

Thursday, January 21, 2010

LP 89: Magustuhan o Maibigan!! =))





Wow!! 3 araw ng hindi pagpost ng mga litrato sa aking "Photoblog" ay parang napakatagal. Haha.. Buti na lang tapus na ang prelims hahaa..sana lang mabuti ang aking mga grado.. Ayun..haha


Eto ang aking naisipan sa temang Magustuhan o Maibigan ng LP..haha.. Naisip ko lang na sa panahong ito sa buhay ng mga estudyante, kelangan ng kaligayahan upang mapasaya ang sarili mula sa bugubugang pag-aaral..lolz..haha.. Ayun..


Makikita sa aking litrato ang parang Carl Fredricksen ng Up ng Pixar.. haha.. Kinaibahan lang ay nasa bisikleta at hiniling ko na makalipad gamit ang mga lobo habang sakay ng bisikleta..haha.. Kaimposiblehan man, masasabi ko na ang pagbabalik sa pagkabata ay isa sa nagugutuhan kong bagay. Kagaya ng paglipad gamit ang mga lobo, malaya ang mga bata sa pag-iisip na masarap muli maranasan. =))


Enjoy mga Ka-LP!! =))




Piz out y'all =))

Wednesday, January 13, 2010

LP 88: Manipis



Hayan at madaling araw na kahit may 3 major quizzes tomorrow. Haha.. talagang di ko pa rin mapigil ang Photography dahil mahal na mahal ko ito and ang LP assignments. Haha..


Ayun, ngayong linggo ay Manipis ang tema. Ang tanging naisip ko ay mga bagay na manipis na literal sa ating mga paningin ang aking ilalagay ngunit may nakita akong larawan na aking kinuha kung saan masasabi ko na manipis. Manipis na epekto kung pagbabasehan ang siyensiya. Haha


Makikita sa aking larawan ang pagtalon ng isang bata sa "swimming pool" . Mapapansin na nakuhanan ng "decisive moment" siya pero kung titingnang maigi, may ilusyong nabuo na parang naglalakad siya sa ibabaw ng tubig. Sa tulong ng "surface tension", kahit papaano ay makikita ang pagitan ng ibabaw ng tubig at ilalim. Haha.. Di man malinaw ang pagpapakita ngunit iyon ay isang property ng tubig. Haha.. Isang manipis na guhit lang ang "Surface Tension" kung iyong titingnan kapag may baso ka ng tubig, tingnan niyong maigi. Isang magndang halimbawa nito ay ang mga insektong nakakalutang sa ibabaw ng tubig Haha


Yan..sobra na sa siyensiya., Enjoy na lang larawan. Haha.. =))




Piz out y'all =))

Thursday, January 7, 2010

LP 87: Makapal (thick)


Ito ang aking ikalawang entry sa weekly assignments ng LP. Hello pala mga ka-LP.. ahha.. Napakasaya ko na makasama sa mga ganito kahit may klase pa rin..=))

Ayun.. Itong larawan na ito ay naglalaman tungkol sa isang makapal na bagay. Hindi pangkaraniwan sa ating bansa ang magkaroon ng napakalamig na panahon kaya mahirap o imposible mangyari ang pag-ulan ng niyebe pero meron na rin namang natala sa ating bansa na pag-ulan ng yelo. Haha..


Ngunit, makakakita o makakapunta pa rin tayo sa isang lugar na yelo, kahit artipisyal lang. Ito ay ang skating rink kung saan makapal na yelo ang komposisyon nito para magamit ng lahat ng mga tao at makapagbigay-saya.


Binaliktad ko lang ang imahe para mas interesente ang dating ng repleksyon sa larawan. Salamat mga ka-LP!! =))


Enjoy!! =))






Piz out y'all =))

Comments are highly appreciated!! =))

Thursday, December 31, 2009

LP 86: Pasasalamat




Happy New Year sa lahat sa Litratong Pinoy!! Haha.. First time ko po ito mag-post sa LP and masaya po ako na makasama sa weekly assignments.

Pasasalamat ay isang mahalagang bagay na dapat nating maibalik sa lahat mga mabubuting bagay na ating natanggap sa kabuuan ng taong ito. =))

Isa sa dapat nating lahat na pasalamatan ay ang ating Panginoon na binigay ang lahat lahat para sa ating ikabubuti lalo na para sa ating kinabukasan. Dapat maging masaya tayo sa lahat ng ating mga natatanggap na biyaya.

Kagaya sa aking larawan, dapat nating ipagpasalamat ang kalikasang ibingay sa atin ng diyos. Kahit sa simpleng lugar kagaya ng bukid, nakapagbibigay ito ng kasiyahan dahil sa kasimplehan. Kasimplehan o kapayapaan ang isang bagay na talagang hinahanap hanap ng karamihan sa atin.

Enjoy!! =))





Piz out y'all =))
 
Copyright 2009 Litrato ni Juan. Powered by Blogger
Blogger Templates created by Deluxe Templates
Wordpress by Wpthemescreator