Showing posts with label skyway. Show all posts
Showing posts with label skyway. Show all posts

Thursday, February 11, 2010

LP 92: Iyo (yours)!! =))



Hello mga Ka-Lp.. Haha.. Medyo late na ang post.. Haha.. Ayun, theme nga pala ngayong Linggo ang Iyo o Yours. At naisipan kong ilagay ang kuha kong buwan.


Sabi nga ng isang kanta, "Susungkiting mga bituin, para lang makahiling.." .. Haha.. Kaya naisipan ko ilagay ang Buwan na isa ring bituin na nais ko ibigay sa inyo upang makahiling rin ng mga inyong nais na kagaya ko na parating humihiling. Haha.


Pero ngayong Pebrero, unang papasok sa isip ng mga tao ay pag-ibig dahil sa Valentine's Day. Marahil nais mo ring sungkitin ang mga bituin at ang buwan para sa kaniya na gagawin mo ang lahat kagaya ng pinakita ni Jim Carrey sa Bruce Almighty na hinila niyang literal ang buwan. lolz. Haha


Enjoy!! =))






Piz out y'all =))

Sunday, January 24, 2010

New Directions!! =))




"Stop there and let me correct it, I wanna live a life from a NEW DIRECTION".. Haha..pinalitan lang lyrics ng New Perspective, yun lang kasi yun babagay sa tema ng blog entry ko. Haha


Ang buhay ay parang isang Skyway sa South Luzon Express Way(SLEX), kung saan may iba't ibang direksyong pinanggalingan subalit sa isa lamang ang destinasyon. Ang buhay ay may iba't ibang direksyong tinatahak base sa sitwasyong kinakaharap. Maaaring ang iba ay napupunta sa nais nilang puntahan at ang iba ay naliligaw ng daan. Pero kahit sa tingin mu na napuntahan mo na ang iyong destinasyon, may mga pagsubok pa rin na darating at maaaring iligaw rin tayo. Pero lahat ay sa isa lang ang tungo, kay God. Siya ang tanging makaktulong sa atin sa lahat ng ating pinagdadaanan.


Enjoy!! =))









Piz out y'all =))
 
Copyright 2009 Litrato ni Juan. Powered by Blogger
Blogger Templates created by Deluxe Templates
Wordpress by Wpthemescreator