Sunday, January 31, 2010

The Terminal sa Probinsya!! =))



Nakasakay ka na ba sa isang pampublikong bus biyaheng probinsya? Marahil oo dahil ito ay isang paraan kung gusto mong makarating ng probinsya. Maraming tao madalas subalit parehas pa rin ang binibigay na serbisyo sa tao, ang maghatid sa lugar na nais na nais mung mapuntahan.


Masaya minsan, magulo minsan o di kaya naman talagang giyera dahil sa sobrang daming tao na unahan sa pagsakay.


Ito sa kuha ko, makikita ang isang terminal ng bus station sa probinsya ng Laguna. Kung inyong mapapansin ay nandiyan na ang mga konduktor na always present sa bawat biyahe dahil na rin upang makakalap ng mga pasahero. haha..


Enjoy!! =))








Piz out y'all =))

Into the World of Pandora!! =))




Inspired by the film Avatar.. Haha.. Well, actually I just wanted to show nature in this photograph that I took and it was just accidental that it fits on the theme of Avatar which was Pandora=Nature.


I just loved how the texture here helped so much for it brought a different element in this picture. It's as if the picture was moving or zooming into the new world, in which I would like to call Pandora. haha..


Ayun, sana napasaya ko kayo sa picture na ito. Kahit simple lang ang dating, cool siya sa paningin ko. Haha.. Don't stop dreaming or imagining dahil it will take you to your perfect reality.


Enjoy!! =))




Piz out y'all =))

Saturday, January 30, 2010

A Feet Away!! =))



Paa, Paa, Paa? Marahil isa na ito sa mahalagang parte ng ating katawan. Kung wala ang mga ito, hindi natin magagawa ang mga pangkariniwang bagay na ginagawa ng mga tao subalit napakahalaga. Kagaya ng paglalakad o pagtakbo.


Nasasabi ng iba na lakad ng buhay paiba-iba ang daan subalit may isang bagay tayong parehas na naiiwan, ito ay isangfootprint sa buhay ng bawat taong ating kinakaharap.


Dapat nating pahalagahan ang lahat ng mga bagay na dinadaanan ng ating mga upang malaman natin ang tunay na depenisyon ng buhay.


Sa aking mga litratong kinuha sa ibaba ay nagpapakita ng iba't ibang bagay na may koneksyon sa paa at buhay ng tao.


Enjoy!! =))










Piz out y'all =))

Never be Alone!! =))




Gudevening sa inyong lahat.. Haha.. Saya ko dahil linggo na bukas kahit pa patapos na ang weekend. =))


So ang litratong aking nakuha sa ibaba ay nagpapakita ng isang taong mag-isa lamang kahit napakaraming bangko pa ang pede upuan ng mga tao. Anu ang reaksyon o mararamdaman mo kung sakaling ikaw lang ang mag-isa?


Sariwa pa sa aking isipan ang pelikulang Up in the Air na pinagbibidahan ni George Clooney. Kaninang umaga ko lang ito napanood at masasabi ko na napakaganda. Haha.. In connection sa litratong aking kinunan ko, napakita dito ang pagiging ALONE ng isang tao. At napakita yun sa pelikula kung saan ay magkaroon ng permanence ng isang tao at sa huli siya rin ang nagsisi dahil siya lang ang mag-isa. =(


Enjoy!! =))





Piz out y'all =))

Friday, January 29, 2010

The Circle Quest!! =))




Ayan, medyo late na..haha.. Inayos ko kasi yung mga susubmit kong litrato para sa UST Contest.. sana manalo ako..pray for me.. Haha.. Ayun..


So tema ngaun ng blog entry na ito ay BILOG... Wlang iba kundi bilog. Lolz..haha..


Ang bilog ay parang buhay lang, minsan sa itaas, minsan sa ibaba. Pero pagdating sa pag-ibig, maganda na ilagay sa bilog kaysa sa puso minsan. Pag sa bilog, patuloy pa rin pero kapag sa puso, maaaring mahati. Pero ang mahalaga talaga ay totoo ang nararamdaman mo sa isang tao. Haha..


Ayan, naging Dr. love na q..lolz..haha.. Ayun.. So itong mga nakunan ko ay puros bilog, kagaya ng mga lampara attube na daluyan ng tubig.


Enjoy!! =))








Piz out y'all =))

Ang Istorya sa Ongpin ( The Ongpin Story XD) v.02 !! =))


Sa inyong pagkakaalam tungkol sa akin kung nababasa ninyo ang mga nakaraan kong posts, ako ay may dugong intsik. At alam naman nating lahat na sa Binondo, Manila ay napakaraming mga intsik. Ito ang naging buhay ko na, pumunta sa Binondo araw-araw dahil dun nagtrabaho ang daddy ko at tumatambay ako sa tindahan ng tito ko.

Masasabi kong sobrang saya ng buhay ko dito sa Binondo at isa na sa lugar na aking pinakagusto ay ang Ongpin. Makikita dito ang Binondo Church na mahal na mahal ko, mga kainang intsik na may mga kakaibang pagkain, dimsums at noodles. Haha.. Marami pa ang iyong makikita rito kapag ikaw ay nagawi dito.

Natural na ang pagkakaroon ng mga intsik sa bawat sulok ng kalyeng ito at lalo na mga business stores na mararami rin.

Enjoy!! =))







Piz out y'all =))

Thursday, January 28, 2010

A Religious Thursday!! =))




Ayun.. Hhaa.. Base sa mga huli kong posts, nalaman niyo na siguro na wala kaming pasok dahil sa St. Thomas Aquinas'feast day. Haha.. Kaya pinangalanan kong A Religious Thursday un blog entry na ito..


Naging religious thursday dahil pinost ko tong mga nakunan kong iba't-ibang simbahan dito sa Parañaque at Laguna nung mga nakaraang linggo. Makikita din dito ang larawan ng mga madreng naglalakad na nakunan ko. Nakakatuwa lang kasi sa loob ito ng village ng tito ko. Haha..


Ayun.. kagaya na rin ng aking nabanggit sa plan ko.. maging close kay God is one of those. Try mu na rin simulan iappreciate lahat ng binibigay ni God sa atin.. haha


Enjoy!! =))









Piz out y'all =))

Bato ka na ba?!! =))




Ayun..haha.. thank you at Feast Day ni St. Thomas Aquinas at baka mag sick leave pa un 2 prof namin tom.. Haha.. Happy Weekend ito..lolz..haha.. ayun..


Heto sa king post makikita ang isang bato. Hmm.. Kagaya ng mga nauna kong nailagay, makikita na masaya ako na wala ganu ginagawa sa eskwela kahit medyo bato sa bahay pero at least pahinga pa rin. Kailangan eh. Haha..


Pero sa tingin ko wala naman ganung panahong bato sa bahay dahil dami rin nagagawa, kagaya ng mga litrato na inaayos ko at pasalamat ako dahil naayos ko kanina pati un entry ko sa UST PHOTO COMPE ..haha.. ayun..


Wag kang mabato dahil marami kang magagawa na makakapagpasiya sayo.. =))


Enjoy!! =))




Piz out y'all =))

Wednesday, January 27, 2010

=))

Since lagpas two months na tong blog ko, at nakaabot na rin aq nang halos isang libo na view which is unti pa lang sa iba pero para sa akin masaya na ako. Hahaha.. Kaya nasipan ko ng maglagay ng flag counter..la lang..haha.. enjoy =))

LP 90: Balak (plan)!! =))


Hahaa.. Buti na lang at wala kami pasok bukas dahil St. Thomas' Feast day. Ayun at nakapost pa ako ng ganitong oras. Haha..


Hello pala mga Ka-LP.. =))


Ang tema sa linggong ito ay Balak o plano. Hmm.. Bilang isa pa lamang estudyante sa kolehiyo, napakaraming bagay ang gusto kong gawin na walang katapusan. Pero nitong mga nakaraang buwan at araw sa tingin nalaman ko na talaga kung anu dapat at magsagawa ng tunay na plano para sa aking buhay.


Makikita sa larawan sa ibaba ang litrato na may karatulang One Way.. Inilagay ko yan upang magsimbolo na ang susunod kong tatahaking hakbang pamula ngayon ay wala nang urungan dahil sa tingin ko na nalaman ko na sa aking sarili kung ano ang dapat. Kagaya ng paglipat ng kurso na aking gagawin dahil hindi ko naman talaga pinlano na kumuha ng kinukuha ko ngayon at mas makabubuti kung dun sa mas gusto ko. Isa na rin ang pag-pursue ko sa Photography na gusto ko talaga ituloy pagkatapos ng buhay kolehiyo. Haha..





At isa ko pang plano ay mag serbisyo sa simbahan bilang Sakristan sa Binondo Church. Haha.. Tutal kwalipikado pa naman ako at araw-araw rin akong nasimba dito. Gusto ko lang talaga na magbigay serbisyo kay God. Haha. At makakilala ng mga panibgaong tao.. =))


Enjoy!! =))




Magulo man o Maayos ang mangyari sa aking mga plano, tiwala pa rin ako na magtatagumpay ako. Think Positive nga diba..hahaha.. =))


Piz out y'all =))

Mango/Mangga= Tasty/Masarap!! =))




Hmmm.. Ngayong nagsisimula na naman ang pagbunga ng mga prutas dahil sa mag-summer na. Masarap na naman ang magiging summer natin. Haha..


Ayun, sa aking larawan makikita ang dalawang sitwasyong nangyayari sa mga bunga sa puno. Isa, masaya na nakapwesto sa itaas at patuloy na lumalaki at mapipitas lamang sa tamang panahon. Habang ang isa ay nalaglag na at di na nakaabot at napag-iiwanan lang dahil sa walang sapat na lasa.


Nagustuhan ko lang tong mga larawan na ito dahil ganda ng focus sa mga prutas na ito. At ang isa sa pinakamahalaga ay ito ang ating pambansang prutas na gustong-gusto ng lahat ng mga Pilipino.


Enjoy!! =))





Piz out y'all =))

Taking the Dip!! =))





Heto na naman ako, ika-101 na post..haha..super saya ko dahil bukas ay walang pasok at maayos ko ang litratong nakunan ko nitong mga nakaraang araw.


Ayun, makikita sa grupo ng mga litratong nakunan ko ay ang mga bata at kagamitan pang swimming. Nakunan ko ito nung birthday ng kaibigan ko. Masaya ang aking karanasan nung araw na ito subalit hindi ata natutuwa sa akin ang tubig dahil hindi ako marunong lumangoy. Haha.. Halata naman dahil tagakuha lang ako at di kakasya sa akin ang mga kagamitang pang pool. haha..


"Taking the Dip" para sa akin ay sumisimbolo sa mga bata sa aking larawan na handang sumisid pailalim at lumutang bilang ganap na tao kung saan puno na ng karanasan sa buhay.


Enjoy!! =))








Piz out y'all =))

Tuesday, January 26, 2010

A Celebration!! =))



Wow! Di ako makapaniwala na ika-100th post ko na to sa aking blog..hahaha..parang nung last week of November lang ako nagsimula..haha.. Napakabilis nga naman ng panahon at pasalamat ako sa inyong lahat na dumdalaw sa aking blog at kaaliwan ang aking mga kuhang litrato.

Naisipan kong gawing theme ay selebrasyon. Selebrasyon?? Hmm.. Ano ang unang pumapasok sa isip mu? Haha.. Alam naman siguro ng lahat na kasiyahan ang kagad pumapasok dito dahil ito ay nararapat lang na may magandang mood. Pero hindi rin maiwasan na may malungkot na selebrasyon like death, etc. Pero lumhis tayo dun dahil ang primerong usapan sa post na ito ay kasiyahan.


Pinili ko ang mga larawang nagpapakita ng kasiyahan. Masasabi ko na makikita sa mga mukha ng mga bata ang tunay na ngiti dahil wala silang iniisip na negatibo sa buhay dahil sa kanilang estado. Masaya muli maging bata.


Enjoy!! =))







Piz out y'all =))
Happy 100th to me..haha

Into the Future!! =))





Ayun..hahaa..


Tayong lahat ay lubos nang nakaranas ng malaking pagbabago sa ating kapaligiran, lalo na sa pagbabago sa teknolohiya na panay ang dagdag o natutuklasang bago kada araw ng siyensiya. Nakakamangha kung ating mapapansin subalit may matindi rin itong nadudulot na epekto sa kilos ng bawat tao kada araw.


Panay ang tanong natin kung anu ang Future ng ating mundo. Masasabi ko na ito na yun, at nagsimula na kung saan puros makabagong kagamitan na hanggang sa ang lahat ng kaimposiblehang bagay sa isipan ng mga tao ay mailipat sa tunay na buhay.


Sa aking larawan, makikita ang taong gumagamit ng laptop habang ang isang camera ay nakatutok at nagmistulang pumasok sa ibang dimensyon ang laptop. Masasabi ko na ito ay sumisimbolo sa makabagong mundo natin na maaaring nakakaranas o makakaranas ng matinding pagbabago.


Enjoy!! =))





Piz out y'all =))
 
Copyright 2009 Litrato ni Juan. Powered by Blogger
Blogger Templates created by Deluxe Templates
Wordpress by Wpthemescreator