Hahaa.. Buti na lang at wala kami pasok bukas dahil St. Thomas' Feast day. Ayun at nakapost pa ako ng ganitong oras. Haha..
Hello pala mga Ka-LP.. =))
Ang tema sa linggong ito ay Balak o plano. Hmm.. Bilang isa pa lamang estudyante sa kolehiyo, napakaraming bagay ang gusto kong gawin na walang katapusan. Pero nitong mga nakaraang buwan at araw sa tingin nalaman ko na talaga kung anu dapat at magsagawa ng tunay na plano para sa aking buhay.
Makikita sa larawan sa ibaba ang litrato na may karatulang One Way.. Inilagay ko yan upang magsimbolo na ang susunod kong tatahaking hakbang pamula ngayon ay wala nang urungan dahil sa tingin ko na nalaman ko na sa aking sarili kung ano ang dapat. Kagaya ng paglipat ng kurso na aking gagawin dahil hindi ko naman talaga pinlano na kumuha ng kinukuha ko ngayon at mas makabubuti kung dun sa mas gusto ko. Isa na rin ang pag-pursue ko sa Photography na gusto ko talaga ituloy pagkatapos ng buhay kolehiyo. Haha..
At isa ko pang plano ay mag serbisyo sa simbahan bilang Sakristan sa Binondo Church. Haha.. Tutal kwalipikado pa naman ako at araw-araw rin akong nasimba dito. Gusto ko lang talaga na magbigay serbisyo kay God. Haha. At makakilala ng mga panibgaong tao.. =))
Enjoy!! =))
Magulo man o Maayos ang mangyari sa aking mga plano, tiwala pa rin ako na magtatagumpay ako. Think Positive nga diba..hahaha.. =))
Piz out y'all =))
5 comments:
sana matupad ang iyong mga plano sa buhay...
LP Balak
aba, magaling ang mga planong mong iyan. Tiyak, magkakatuo yan dahil sasabayan mo ng serbisyo sa Diyos eh.Naku, kailangang makabalik na ako ng Binondo Church, tagal ko nang hindi nakakapunta. maligayang LP!
ok ang mga plano mo. kung saan ka maligaya, dapat doon ka.
haha..Thank you sa pagdaan mga ka-LP =))
wow, napaka ganda ng iyong mga plano. nawa ay maisakatuparan mo ang mga iyan :-)
heto naman ang aking balak gawin :-)
Post a Comment